<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4959473311657925004?origin\x3dhttps://alonebutstronger.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Monday, March 3, 2008
Buhay America
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas
kapag
nasa America ka akala nila madami ka ng
pera. Ang totoo, madami
kang utang, dahil credit card lahat ang
gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo.
Kailangan mo gumamit ng credit card
para
magka-credit history ka,
kase pag hindi ka umutang o wala kang
utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga
kano . Pag wala kang credit card, ibig
sabihin wala kang kapasidad magbayad.



Akala nila mayaman ka na kase may kotse
ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili
ng kotse sa America
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim
ng init ng araw o kaya sa snow. Walang
jeepney, tricycle o padyak sa
America ..



Akala nila masarap ang buhay dito sa
America . Ang totoo, puro ka trabaho
kase pag di ka nagtrabaho, wala kang
pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at
iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa
kapitbahay kase busy din sila
maghanap buhay pangbayad ng bills nila.



Akala nila masaya ka kase nagpadala ka
ng picture mo sa Disneyland, Seaworld,
Six Flags, Universal Studios at iba
pang attractions. Ang totoo, kailangan
mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+
para
makarating ka dun, kailangan mo na
naman
ang 10 hours na sweldo mong
pinangbayad sa ticket.



Akala nila malaki na ang kinikita mo
kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo,
malaki pagpinalit mo ng peso, pero
dolyar din ang gastos mo sa America.
Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa
presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas
$1.00 sa America , ang isang pakete ng
sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na
P10,000 sa Pilipinas, sa America
$1,000++.



Akala nila buhay milyonaryo ka na kase
ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang
totoo milyon ang utang mo. Ang bago
mong
kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig
sabihin, alipin ka ng bahay at kotse
mo.



Madaming naghahangad na makarating sa
America . Lalo na mga nurses at mga
guro, mahirap maging normal na
manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod
ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo,
kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America .
Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo
ding magbanat ng buto para mabuhay ka
sa
ibang bansa.


totoo yan..sana mabasa ng mga relatives ko sa pinas. HAHA :) para indi hingi ng hingi ..
Sandii ♥ 4:35 PM
About Me
Desires